northluzon.politics.com.ph

Imee Marcos to Ilocos Norte: ‘Thank you for making me your governor’

0 147

Governor Imee Marcos is already saying goodbye to Ilocos Norte!

The politiko got a little sentimental as the province celebrated this year’s Tan-Ok Festival, which would be Marcos’ last as governor. She is running for senator in the May elections.

Marcos told the Ilocanos that she is not truly leaving them behind. Rather, she is set to replicate what she has done in Ilocos Norte to other provinces in the country.

“Wala tayong iniwan sa ano mang sulok ng ating probinsya, walang purok, walang barangay na nanatiling gutom o sobrang mahihirap. Yung mahihirap man, kilala na natin at aarugain, aasikasuhin, aalagaan habang buhay nila,” said Marcos.

“Sa inyong lahat, pasingkidan ki kina Tan-ok ni ilokano. Thank you for making me your governor,” she added.

View this post on Instagram

Ako ay medyo nininerbyos ngayong gabi, hindi sana dapat, sapagkat napakasaya natin tuwing Tan-ok subalit sa kabila nito, ito na ang kahuli-hulihan kong Tan-ok Festival bilang gobernadora ninyo, na dakila, makasaysayan at makabayang lalawigan ng Ilocos Norte. Ako’y nalulungkot dahil kahit papano matindi ang ating pinagsamahan. Sinamahan ninyo ako at tinangkilik kahit hindi maliwanag ang plano, hindi maintindihan kung saan tayo patutungo, kung ano ang magiging hinaharap ng ating probinsya. Pero tinulungan ninyo ako at naniwala na awan ti imposible. Na kahit paano, darating ang araw na higit dalawang milyong turista ang dadayo sa Ilocos Norte. Naniwala kayo na tayo ay mananatiling tunay, matibay at laging matindi ano man ang klima, ano man ang sumpa ng agrikultura. Naniwala po kayo na magpapasok tayo ng industriya, ng sangkatutak na windmill, ang solar at pati na ang hydro upang maging coaster at binabatbat ng buong Southeast Asia sa malinis at wagas na kuryente. Naniwala po kayo na pupunta rin ang iba’t ibang kumpanya dito, tatangkilikin at bibigyan ng trabaho ang bawat isa sa ating magagaling na kabataan at estudyante. Maraming maraming salamat sa inyong paniniwala at paninindigan sa akin. Isang karangalan maging gobernadora ninyo pero sa kabila ng kalungkutan sapagkat ngayon pa lang ay hindi ko na kayo naaasikaso ng puspusan, alam naman ninyo kung saan saan ako nakaksiksik, sa iba’t ibang sulok ng ating kapulungan, hindi para umalis sa Ilocos Norte, kung hindi palawakin pa ang ginagawa natin dito sa sarili nating probinsya at ipagmalaki sa iba na dito sa probinsya natin, kaya nating gawin ang lahat ng ito, kaya rin siguro nila. At ito nga, dahil dito, kahit huling Tan-ok ko na ito, masaya na rin ako. Masaya sapagkat malayo na rin ang ating tinahak. Malalaking hakbang ng pag-uunlad at nabigyan natin ng hanap buhay at pagkain ang bawat isa. Wala tayong iniwan sa ano mang sulok ng ating probinsya, walang purok, walang barangay na nanatiling gutom o sobrang mahihirap. Yung mahihirap man, kilala na natin at aarugain, aasikasuhin, aalagaan habang buhay nila. Sa inyong lahat, pasingkidan ki kina Tan-ok ni ilokano. Thank you for making me your governor.

A post shared by Imee Marcos (@officialimeemarcos) on

Facebook Comments